Pagbitay, Kamatayan at Pagka-martir
Noong 1896, natuklasan ang lihim ng KKK, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon, pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan.
Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sapamahalaan.
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Ferdinand Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultor escoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."
Wew
TumugonBurahin