Lunes, Marso 12, 2012


Mga Pamanang-lahi

Si Jose P. Rizal ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
  1. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
  2. na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
  3. na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
  4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
  5. pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.

Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan,Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento